Martes, Agosto 30, 2011

Imposible pero Posible..


    "Kung sinong gusto mo, siya namang may ayaw sayo at ang taong may gusto sayo ay ang taong ayaw mo." Sa tingin mo, totoo kaya? Siguro oo at siguro hindi; alam niyo, hindi naman malayong nararanasan o naranasan ito ng ibang tao, katulad nila o kaya katulad mo...? at hindi rin malayong naging luma na ang mga katagang ito; lalo na sa panahon natin ngayon, katulad niya o kaya katulad ko...?
        Ang sakit siguro sa pakiramdam kapag harap-harapan na sinabi saiyo ng nagugustuhan mo na ayaw niya sayo, kahit na hindi mo pa naman sinasabi o inaamin na gusto mo siya; sabay sabing: "kapal mo ha; sinong may sabi sayo? Asa ka pa!?" tatalikod, sabay alis pero di mo namalayag pumatak na yung luha sa mga mata mo, daig pa yung literal kang nasugatan. Eh ano ba talaga ang dapat mong gawin para malaman ng isang tao na may gusto ka sa kanya.., na hindi kinakailangang sabihin pa? hello...? kakahiya kayang magsabi ng feelings, inuunahan kaagad ng takot kasi ayon nga sa iba, ang sakit na baka i-reject ka. Sabagay, paano niya malalaman kung hindi mo sasabihin? pero may iba pa namang paraan, diba? magparamdam ka; parang multo lang; magpapansin kaya? o kaibiganin mo nalang, pero... mas mahirap yata kung magiging kaibigan mo siya kasi diba merong pagkakataon na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sayo na hindi tulad ng ini-expect mo pero mas okey na siguro yun  kesa wala , sabi nga nila; "pwede na"(hehe). Eto lang naman kasi yun, kung hindi mo na talaga kaya pang itago; marahil desperada o desperado ka na, well.., magpakatotoo ka na lang, tanggapin mo nalang kung ano man ang sasabihin niya; kung ayaw niya sayo, eh ano na man? Ano ka ba ayos lang yan atleast nalaman niya diba? na kahit papano sure siyang may humahanga sa kanya. Eh pano naman kung gusto ka rin niya,? much better... sulit yung pag amin mo, ika nga.
     Paano?paano?paano? eh paano naman kaya kung umamin sayo ang taong may gusto sayo? Pero yun nga lang, ayaw mo naman sa kanya ( choosy type lang ) magiging prangka ka kaya? 'yung tipong sasabihin mo talaga na: " sorry, ayoko sayo!" sakit nun ha.. ( parang nagcrossed-out lang ). Mas mabuti siguro kung idadaan mo naman sa paliguy-ligoy effect para naman hindi masyadong masakit, diba? sama mo naman nun, pwedeng... "pasensya ka na ha.; pero may gusto na kong iba" o kaya;  "salamat sa paghanga mo pero, sorry.. kasi meron na ako at mahal ko siya" ( ang drama ) pero at that point masakit parin. Paano kung gusto ka niya talaga as in maghihintay siya kahit matagal? Willing ka kayang magbigay ng chance just for him or her? well, nasa saiyo naman yan.
     Remember?... Iba na panahon natin ngayon, lahat natututunan na sa simpleng gadgets hanggang sa... puso?...
 ( talaga? ). Alam ko naman na alam niyo na kahit ayaw mo sa isang tao o kahit anong pagkamuhi mo sa kanya, darating at darating din ang oras na mag iiba rin ang pagtingin mo, sabay sa agos ng panahon, paiba iba lang at ika nga, walang imposible. Para sa akin, natuturuan pa rin ang puso, isipin mo lang na kaya mo, magagawa mo. Eh ikaw, anong say mo?

-for submission ( Humanities 1 )

1 komento:

  1. that was the feeling of being ignored.<! alam mo naman pala ehh!! i love the way you wrote it just like the way of my favorite writer-"BOB ONG". Keep it up,, nice work-well-done..i'm waiting for another writing.yhen..

    TumugonBurahin