Sabi nila: "walang permanente sa mundo... maliban sa pagbabago. "Ang mga damit ; kumukupas, simula makaluma hanggang moderno, kung saan mga teknolohiya na ang bida at maging ang buhay nagbabago... at nawawala.
Sadya bang likas na sa ating mga tao ang mas sanay sa bago? Eh sino nga naman ang ayaw sa bago? Kahit naman ako, gusto ko palaging bago, sa simpleng mga gamit hanggang sa boyfriend...? hehe. (biro lang), sunod sa uso ba pero lahat naman ng bago nagiging luma, diba? Kaya ano ba ang pinagkaiba nun? Gayunman, may pagkakaiba rin naman. Ang pagsusulat; sa pagdaan ng panahon ay naging luma na rin, minsan na lang napapansin at minsan nga, hindi na. Ano pa nga ba ang silbi ng pagsusulat? Kung nandyan naman ang kompyuter, cellphone at iba pang gadgets, ang teknolohiya. Meron pa ba kaya?
Subalit, ang pagsusulat ay nananatiling buhay, may halaga o mahalaga , kapaki-pakinabang, at parte ng buhay... sa mga manunulat, ayon sa kanila. Maraming manunulat ang naging tanyag dahil sa kanilang mga naisulat, internasyonal man o maging mga lokal. Tayong mga Filipino, likas na sa atin ang pagiging malikhain, makakata at pagiging dalubhasa, hindi ba? Ikaw? Ano sa tingin mo? Kasi ako... hindi naman...masyado, pero taas noo akong pumupugay, tumitingala at umiidolo sa mga manunulat. Lahat naman tayo maaaring maging manunulat, diba? Sa simpleng paggawa mo ng tula, at iba pang uri ng panitikan, maituturing ka ng isang manunulat. Kaya bilang isang manunulat, malalaman at mararamdaman mo kung ano nga ba ang silbi ng pagsusulat sa iyo, sa atin, sa lahat, maging sa buhay ng tao.
Ako; hindi man ako isang mahusay na manunulat, pero ramdam ko ang pagsusulat. Bakit kamo? dahil sa pamamagitan ng pagsusulat, nasasabi ko ang hindi ko masabi, nailalabas ko ang hindi ko mailabas (iba na naman ang nasa isip niyo no?) sa madaling salita, tampulan mo ng iyong nararamdaman; kung ano ang laman at sinasabi ng puso mo (lalim). At hindi totoong nagawa mo ang isang tula dahil sa "wala lang", na nakagawa ka ng isang nobela dahil "trip ko lang"?, kundi dahil; ang mismong panulat mo ang nag udyok saiyo na sumulat ka, syempre sa tulong ng puso't isip mo (mas malalim) o sabihin na nating may pinanghuhugutan ka, kung ano yun...? subukan mong alamin... kasi, alam ko na ikaw lang ang nakakaalam kung ano nga ba iyon. (getz?)
-for submission (Humanities 1)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento