Sabi nila: "walang permanente sa mundo... maliban sa pagbabago. "Ang mga damit ; kumukupas, simula makaluma hanggang moderno, kung saan mga teknolohiya na ang bida at maging ang buhay nagbabago... at nawawala.
Sadya bang likas na sa ating mga tao ang mas sanay sa bago? Eh sino nga naman ang ayaw sa bago? Kahit naman ako, gusto ko palaging bago, sa simpleng mga gamit hanggang sa boyfriend...? hehe. (biro lang), sunod sa uso ba pero lahat naman ng bago nagiging luma, diba? Kaya ano ba ang pinagkaiba nun? Gayunman, may pagkakaiba rin naman. Ang pagsusulat; sa pagdaan ng panahon ay naging luma na rin, minsan na lang napapansin at minsan nga, hindi na. Ano pa nga ba ang silbi ng pagsusulat? Kung nandyan naman ang kompyuter, cellphone at iba pang gadgets, ang teknolohiya. Meron pa ba kaya?
Subalit, ang pagsusulat ay nananatiling buhay, may halaga o mahalaga , kapaki-pakinabang, at parte ng buhay... sa mga manunulat, ayon sa kanila. Maraming manunulat ang naging tanyag dahil sa kanilang mga naisulat, internasyonal man o maging mga lokal. Tayong mga Filipino, likas na sa atin ang pagiging malikhain, makakata at pagiging dalubhasa, hindi ba? Ikaw? Ano sa tingin mo? Kasi ako... hindi naman...masyado, pero taas noo akong pumupugay, tumitingala at umiidolo sa mga manunulat. Lahat naman tayo maaaring maging manunulat, diba? Sa simpleng paggawa mo ng tula, at iba pang uri ng panitikan, maituturing ka ng isang manunulat. Kaya bilang isang manunulat, malalaman at mararamdaman mo kung ano nga ba ang silbi ng pagsusulat sa iyo, sa atin, sa lahat, maging sa buhay ng tao.
Ako; hindi man ako isang mahusay na manunulat, pero ramdam ko ang pagsusulat. Bakit kamo? dahil sa pamamagitan ng pagsusulat, nasasabi ko ang hindi ko masabi, nailalabas ko ang hindi ko mailabas (iba na naman ang nasa isip niyo no?) sa madaling salita, tampulan mo ng iyong nararamdaman; kung ano ang laman at sinasabi ng puso mo (lalim). At hindi totoong nagawa mo ang isang tula dahil sa "wala lang", na nakagawa ka ng isang nobela dahil "trip ko lang"?, kundi dahil; ang mismong panulat mo ang nag udyok saiyo na sumulat ka, syempre sa tulong ng puso't isip mo (mas malalim) o sabihin na nating may pinanghuhugutan ka, kung ano yun...? subukan mong alamin... kasi, alam ko na ikaw lang ang nakakaalam kung ano nga ba iyon. (getz?)
-for submission (Humanities 1)
Ayhen
Miyerkules, Agosto 31, 2011
Over and Over Again
When sunrise arrived,
Light goes absolutely wild
While the darkness hide,
And no chance to become wide.
Nightmares still exist
Daydream under my fist
A routine of life,
A routine of ours.
Loneliness of being alone
Until the rise of the dawn;
And nothing was new
If boredom strikes over you.
It's so tired to accept
And too hard to reject,
No one like this,
And everybody hate it;
Again and again
always and then..
-for submission (Humanities 1)
Light goes absolutely wild
While the darkness hide,
And no chance to become wide.
Nightmares still exist
Daydream under my fist
A routine of life,
A routine of ours.
Loneliness of being alone
Until the rise of the dawn;
And nothing was new
If boredom strikes over you.

And too hard to reject,
No one like this,
And everybody hate it;
Again and again
always and then..
-for submission (Humanities 1)
Martes, Agosto 30, 2011
Imposible pero Posible..
"Kung sinong gusto mo, siya namang may ayaw sayo at ang taong may gusto sayo ay ang taong ayaw mo." Sa tingin mo, totoo kaya? Siguro oo at siguro hindi; alam niyo, hindi naman malayong nararanasan o naranasan ito ng ibang tao, katulad nila o kaya katulad mo...? at hindi rin malayong naging luma na ang mga katagang ito; lalo na sa panahon natin ngayon, katulad niya o kaya katulad ko...?
Ang sakit siguro sa pakiramdam kapag harap-harapan na sinabi saiyo ng nagugustuhan mo na ayaw niya sayo, kahit na hindi mo pa naman sinasabi o inaamin na gusto mo siya; sabay sabing: "kapal mo ha; sinong may sabi sayo? Asa ka pa!?" tatalikod, sabay alis pero di mo namalayag pumatak na yung luha sa mga mata mo, daig pa yung literal kang nasugatan. Eh ano ba talaga ang dapat mong gawin para malaman ng isang tao na may gusto ka sa kanya.., na hindi kinakailangang sabihin pa? hello...? kakahiya kayang magsabi ng feelings, inuunahan kaagad ng takot kasi ayon nga sa iba, ang sakit na baka i-reject ka. Sabagay, paano niya malalaman kung hindi mo sasabihin? pero may iba pa namang paraan, diba? magparamdam ka; parang multo lang; magpapansin kaya? o kaibiganin mo nalang, pero... mas mahirap yata kung magiging kaibigan mo siya kasi diba merong pagkakataon na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sayo na hindi tulad ng ini-expect mo pero mas okey na siguro yun kesa wala , sabi nga nila; "pwede na"(hehe). Eto lang naman kasi yun, kung hindi mo na talaga kaya pang itago; marahil desperada o desperado ka na, well.., magpakatotoo ka na lang, tanggapin mo nalang kung ano man ang sasabihin niya; kung ayaw niya sayo, eh ano na man? Ano ka ba ayos lang yan atleast nalaman niya diba? na kahit papano sure siyang may humahanga sa kanya. Eh pano naman kung gusto ka rin niya,? much better... sulit yung pag amin mo, ika nga.
Paano?paano?paano? eh paano naman kaya kung umamin sayo ang taong may gusto sayo? Pero yun nga lang, ayaw mo naman sa kanya ( choosy type lang ) magiging prangka ka kaya? 'yung tipong sasabihin mo talaga na: " sorry, ayoko sayo!" sakit nun ha.. ( parang nagcrossed-out lang ). Mas mabuti siguro kung idadaan mo naman sa paliguy-ligoy effect para naman hindi masyadong masakit, diba? sama mo naman nun, pwedeng... "pasensya ka na ha.; pero may gusto na kong iba" o kaya; "salamat sa paghanga mo pero, sorry.. kasi meron na ako at mahal ko siya" ( ang drama ) pero at that point masakit parin. Paano kung gusto ka niya talaga as in maghihintay siya kahit matagal? Willing ka kayang magbigay ng chance just for him or her? well, nasa saiyo naman yan.

( talaga? ). Alam ko naman na alam niyo na kahit ayaw mo sa isang tao o kahit anong pagkamuhi mo sa kanya, darating at darating din ang oras na mag iiba rin ang pagtingin mo, sabay sa agos ng panahon, paiba iba lang at ika nga, walang imposible. Para sa akin, natuturuan pa rin ang puso, isipin mo lang na kaya mo, magagawa mo. Eh ikaw, anong say mo?
-for submission ( Humanities 1 )
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)